Lunes, Setyembre 12, 2011

Ingklitik

Ang ingklitik ay mga kataga o salitang ginagamit sa pagdaragdag ng kahulugan sa mensahe ngunit ang mga salita ay maaring kaltasin sa pangungusap nang hindi masisira ang kahulugan nito

Ingklitik Halimbawa
pa, kaya, naman, man Hindi tahasan kaya nakapag-iisip ka pa
Ang iba pang ingklitik ay ay, aba, naku, rin, din, hala, hoy, aray, na, e, ala, sana, ha Aba, dumating ka na pala, Sumama ka ha?

Uri ng Pang-abay

  • Pamanahon - nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa tanong na kailan?
  • Panlunan - nagsasaad ng pook o nang pinangyarihan ng kilos. Ito ay sumasagot sa tanong na saan?
  • Pamaraan - nagsasaad kung paano ginanap ang kilos o pangyayaring isinasaad ng pandiwa.
  • Panggaano - sumasaklaw sa bilang, dami o halaga.
  • Panulad - nagsasaad ng katangiang napapaloob sa pangungusap. Karaniwang ginagamit na hambingan ng pang-uri.
  • Pang-agam - nagsasaad ng di-katiyakan o pag-aalinlangan.
  • Pananong - ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, bilang o halaga.
  • Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtangaap sa kausap.
  • Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat o pagbawal.
  • Panunuran tumutukoy sa sunud-sunod na hanay o kalagayan.
  • Pamitagan - nagpapakilala ng paggalang at pagsasaalang-alang.
  • Panuring - nagsasaad ng pagtanaw ng utang na loob

Biyernes, Setyembre 9, 2011

sarswela

Ang sarswela (Espanyol: zarzuela bigkas, [sarˈswela] sa Latino Amerika) ay isang Kastilang uri ng lirika-dramatiko na nagpapalit mula sa binibigkas patungo sa inaawit na mga eksena, na sinasama ang mala-opera at tanyag na awitin, gayon din ang sayaw. Lumawak ang uring ito sa mga kolonya ng Espanya, kabilang ang Pilipinas na naging isang tradisyon.